Pilipinas, ang mamatay ng dahil sa 'yo
Katha ni Elmer Esplana (Enero 6, 2008). Ang tulang (poem) ito ay nagawa dahil sa inspirasyon ng isang talata galing sa Pambansang Awit ng Pilipinas -Lupang Hinirang - "Ang mamatay ng dahil sa 'yo," mga paga-aral ng may akda na may kinalaman sa "Partipatory Governance," o "Effective Governance" at sa pagbabasa ng isang libro na isinulat ni Dwight Bain, isang Amerikanong manunulat na may akda ng Destination Success: A map for living out your dreams. Pwedi nyo itong makita sa website na: http://www.dwightbain.com/.
Kailan ka ba aahon Pilipinas?
Kailan ba namin makikita ang iyong tagumpay?
Kailan ba ikaw magni-ningas sa dilim?
Isa kang dating maunlad na bansa,
Ngayon nahuhuli ka na sa iba.
May nagsasabi na wala na raw pag-asa sa bansang Pilipinas,
Kaya't pumupunta na lang sa ibang bansa.
May iba naman, wala ng ginawa kundi sirain ang pangalan mo.
Ang nagiging bansag tuloy sa atin, "Eh kasi Pinoy,"
Kailan ba magiging positibo ang dating ng bansag na iyan?
Ang tingin tuloy ng ibang bansa sa atin,
Pilipinas, isa bansang talunan at bayan ng mga magugulo.
At ang mga Pilipino na galing sa ating bansa,
Marami sa kanila nagiging katulong (domestic helper) ng iba't-ibang mga dayuhan,
Sa maraming mga bansa sa buong mundo.
May hihigit pa ba rito?
Mayroon pa sa tingin ko.
Dapat lang ito ang makita sa atin.
Dahil marami ring Pilipino na maunlad at maayos ang buhay sa ibang bansa.
Kayat dapat dumami pa ang katulad nila.
Sana dumating ang panahon na aangat ka rin aking bansa.
Sana dumating ang araw na maaayos din ang gulo at dilim na nakapaligid sa 'yo.
Nawa'y ang mga pulitiko magkaisa na gumawa ng mabuti lamang para sa 'yo.
Mga taong nasa katungkulan, ayusin ang pamamahala,
Lumayo na sa mga di-maayos at masamang ginagawa,
Katulad ng pagnanakaw ng kaban ng bayan,
At walang habas na pagsira lamang ng iyong yaman.
Sa mga negosyante naman dapat na isaalang-alang natin,
Hindi lang tubo ang isipin sa buhay, kundi magkaroon din,
Ng pagmamahal at makabuluhang pangkapwa-tao na responsibilidad.
Kung sa mga organisasyong hindi gobyerno or pribado naman (NGOs),
Wag lang makigulo, kundi ipagpatuloy lang ang pagsusulong,
Ng mga kapaki-pakinabang na mga alternatibong programa at proyekto,
Na susuporta sa mga ginagawa ng pamahalan at mga pribadong sektor,
Ang pamahalaan, pribadong sektor at asosasyon hindi gobyerno at pribado,
Patuloy lang magtulong-tulong sa isat-isa, na ayusin ang pamamahala (governance) para sa bansang ito.
At sa lahat ng kapwa ko Pilipino, mahalin natin ang ating bansa.
Tumulong tayo sa ating pamahalaan at sa mga iba pang sektor na nabanggit.
Pagsikapan at pagtulungang natin ang pagsusulong ng tagumpay ng Pilipinas.
Wala ng hihigit pa sa sariling bayan,
Dito tayo isinilang, nabubuhay at dito rin mamamatay, kung luluubin ng Maykapal.
Ngayong taong 2008 at susunod pang mga taon, nawa'y ipagpatuloy natin ang pagsisikap.
Paghusayan natin ang ating mga ginagawa sa bawat-isa.
Isipin natin na may bagong liwanag na darating.
At ang pinakamagandang mangyayari ay parating pa lamang.
May pag-asa tayong lahat, sapagkat hindi tayo nag-iisa,
May kasama tayo sa lahat ng ating mga ginagawa,
Andyan ang Dios para gabayan at tulungan tayo,
Magtiwala lang tayo sa Kanya ng totoo.
Oh' bansang Pilipinas, Oh' bayan ko.
Ikaw at ako, tayong lahat ay Pilipino.
Kaya't dapat tayong magkaisa at magtulong-tulong.
Paunlarin ka hindi lamang sa henerasyon na ito.
Kundi pati na rin ang susunod na henerasyon ng lahing Kayumanggi.
Oh' Pilipinas, oh' bayan ko,
Kaming lahat ay naririto, Pilipinas,
Ang mamatay ng dahil sa 'yo.
Pahabol na salita: Kung may natutunan ka sa tulang ito, ipakibahagi or email mo ito sa kaibigan at mahal mo sa buhay, upang sila'y may matutunan din katulad mo. God bless you, my friend! (Please email your comments to elmer.esplana@gmail.com).
(Source: www.elmer2007.multiply.com)

No comments:
Post a Comment