Saturday, May 7, 2011

Ang Buhay:Isang Tula ni Elmer R. Esplana

Ang Buhay:Isang Tula  


Sulat ni: Elmer R. Esplana, November 4, 2007
(This is a poem in "Tagalog" that expresses the importance of life and how to use it to the fullest for the glory of God -the Mighty Creator - for the Filipinos.) 


Buhay, ano nga ba ito?
Ang buhay ay  pinahiram lang sa atin,
Sa pamamagitan ng ating mga magulang,
Nagmula sa Dios na may akda nito.

Buhay ang regalo ng Dios sa mundo,
Upang alagaan, pagyamanin at ingatan ng tao,
Buhay na walang maaaring umako,
Kaibigan,tanging ikaw lang ang tagapamahala nito.

Ang buhay ay parang isang gulong,
Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim,
Sino nga ba ang makapagsasabing,
Siya lang ang buhay mo at buhay ko.

Masasabi mo bang ikaw ay may buhay?
Buhay na may kasayahan at kalungkutan,
Buhay na may kasaganaan at kasalatan,
Buhay na may katagumpayanan at kabiguan.

Sayang lang ang buhay sa araw-araw na lumilipas,
Kung di ito nagagamit ng husto,
Kung di ito nagagamit ng wasto,
Lalo na kung ang buhay ay di mahalaga sa yo.


(Source: www.elmer2007.multiply.com)

No comments:

Post a Comment