Saturday, May 14, 2011

Pagbabaliktanaw: Minanang Awitin Muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura

Title of the Event in Crossroad 77 with the picture of national hero Dr. Jose Rizal holding a guitar

from left  Dr. Mike Coroza with the Mabuhay Singers Emma Lucero, Cely Bautista, Peping de Leon, and Jimmy Salonga

Lorenzo, Miko, and the Tres Rosita, Dr. Mike Coroza


Infront duet singing, Raye Lucero and Peping de Leon

The Mabuhay Singers team


Willie Samson, Fanny Paragas, Bernie Berida Jr. and Sadi Yuro
At the middle Elder Fanny Paragas

Farewell presentation

Pagbabaliktanaw: Minanang Awitin Muling Pagyamanin,  Isang Konsiyerto at Lektura sa Crossroad 77 Convenarium
by  Elmer R. Esplana,  Mananaliksik at Ekonomista ng Sining, May 14, 2011

Ang katatapos lang na isang pagtatanghal na pinamagatang "Minanang Awitin Muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura" na inihandog ng historyko.org  at C Futures  ay tagumpay. Ito ay ginanap sa Crossroad 77 Convenarium, Bread of Life Ministries International, Mother Ignacia Avenue cor. Scout Reyes Street, Brgy. Paligsahan, Lungsod ng Quezon, Metro Manila, Pilipinas. Ito ay ginanap noong ika-7 ng gabi, Mayo 13, 2011.  Sa aking palagay, ito ay naging isang matagumpay na pagtitipon, pagpapakilala at pagpapakita ng mga likas at likha na mga awiting Filipino, lalong-lalo na ang Kundiman.

Isang lektura ni Dr. Mike Coroza, isang kilalang makata, manunulat, tagapagsalin, at editor ng National Language of the Philippines, Associate Professor ng Ateneo de Manila University na nagbigay ng panimulang pampagana na tulang pagpapakilala sa mga manunuod ng pagtatanghal na ito.

Sinimulan nyang ipakilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang tulang pagpapakilala. Sinabi nya ang ang Kundiman na syang tampok na "genre" ng gabing iyon ay hindi lamang kanta ng pag-ibig o awit sa panliligaw ng dalaga, kundi ito rin ay isang awit ng makabayang Filipino.   Kundiman ang mag-uugnap sa tunay na "Kalayaan" at ang ideyal ng naisin ng mga Filipino para sa bansang Pilipinas.   Ito ay awit ng mga bayaning Filipino, kahapon, ngayon at bukas. Sinabi nya na bagaman ito ay nahahawig sa awitin ng mga Europeo, ito ay dapat angkinin ng mga Filipino sapagkat ito ay nilapatan ng sariling salita na Pilipino or wikang katutubo, at marami dito ay Kundimang Tagalog. Ilan sa mga sikat na mang-aawit at kompositor or gumagawa ng mga awit Kundiman na binaggit nya sa kanyang lektura ay ang pambansang bayaning si Dr.  Jose Rizal, sina Joselina Baliwag, Antonio Molina, at maraming pang iba, na naging kabahagi na ng kasaysayan ng Kundiman sa Pilipinas.

Isa sa tampok sa pagtatanghal na ito ay ang pag-awit ng Mabuhay Singers ng higit sa tatlongpung mga awitin at kaharamiran sa kanilang inawit ay mga Kundiman, katulad ng: Aawitan Kita, Bundok Banahaw, KalesaHabang-BuhayMagbabakya, Dahil sa IyoPakwan, Hahabol-habol, Kung Ako'y Magaasawa, Pintasan, Lawiswis Kawayan, Mutya ng Pasig, Bol-anon, Hatinggabi, Lulubog-lilitaw, Bingwit ng Pag-ibig, Madaling Araw, Balut, Kuratsa, Pobreng Alindahaw, Pamulinawen, Pista sa Nayon, Ako ay Pilipino, Pilipinas, at maraming pang iba. 

Tatlo sa orihinal na mang-aawit ng Mabuhay Singers na nag-angat ng ating mga ikinararangal na awiting Pilipino ay kinabibilangan ng mga Reyna at Hari ng Kundiman na sina Cely Bautista, Raye Lucero at si Jose "Peping" de Leon.   Kasama rin sa mga umawit si Emma Lucero, anak ni Raye Lucero at ang kanilang mga kasamang mang-aawit-musikero-gitarista na sina Eddie Suarez at Jimmy Salonga.  Makikita nyo ang kanilang Facebook account nila na may pamagat na Mabuhay Singers kung inyong nais silang imbitahin upang magtanghal.

Kabilang din sa mga umawit ang sinasabing Tres Rositas na mga mag-aaral ng Conservatory of Music sa Universidad ng Pilipinas (University of the Philippines) na sina Janine, Roxanne, Charlene.   Kasama rin sa mga umawit ang anak ni Dr. Coroza na si Miko at isa pang sa nitong kasama na si Lorenzo.  
Isang rin sa espesyal ng pagtatanghal ang ginawa ng E4 (Four Church Elders) ng Bread of Life (BOL) na sina  Sadi Yuro, Bernie Berida Jr, Fanny Paragas at Willie Samson. Umawit sila ng mga Original Filipino Music (OPM) katulad ng Akoy Pinoy, Tayo'y mga Pinoy, Bakit Labis Kitang Minahal.  Isa sa hinangaan sa kanilang pagtatanghal ay ng awitin nila ang "Anak" na sikat na awitin ni Freddie Aguilar na isinalin sa ibat-ibang wika ng ibat-ibang mga bansa.

Pagkatapos ng mga awiking ng E4, nagbigay ng isang maikling mensahe ang tagapamahala ng Historyko.org na si Elder Willie Samson. Sinasabi niya na ang Kundiman ay "awitin ng mga bayani." Isa pa, "ito ay di pweding talikuran ng bawat Filipino." Ang mga awitin na nasulat at nalikha na Kundiman ay paglalarawan  ng pagmamahal sa ating bayan.  Nagbanggit sya ang apat na dahilan ng pagbagsak ng mga bansa mula sa dati nilang kadakilaan, kasama na rito ang Pilipinas. Una, ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon. Sa mga bansa sa Asya, walang universidad sa Pilipinas na kasali sa limampung pinakamagagaling. Naunahan na tayo pati ng bansang Indonesia na kasali sa ika-apatnaput siyam. Ikalawaang pagkawala ng paggalang sa mga tradition,  tulad ng paggalang sa matatanda. Ikatlo, ang pagdami ng mga taong nahuhumaling sa materyal na mga bagay.  Isa sa halimbawa nito ang magdami ng mga Pilipinong paikot-ikot sa mga malalaking mall upang bumili ng mga bagay na pang samanantala lamang gayong ang Pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa Asya.  Kahit anong oras sa maghapon ay maraming Filipino ang nagpapaikot-ikot sa mga mall, para maglakwatsa at magpalipas lamang ng oras, samantalang sa ibang bansa ay hindi ganito ang ating makikitang kanilang ginagawa. 

Sa madaling salita, sayang ang oras ng isang tao kung ang oras nya ay ginagamit lamang sa paglalakwatsa katulad ng mall, lalo na kung wala naman importanteng pakay dito or  kung may pakay man dito ay magwawaldas lang ng salapi sa halip na ipunin upang magamit na pang-invest upang lalo pang dumami ang kanilang pera o itabi upang magamit sa oras ng pangangailangan ng pamilya.   Sa mga bansa sa Asya, isa ang Pilipinas sa pinakamababa ang "savings rate" kada taon.  Kung ganito ang ating karanasan,  panahon na upang mag-impok tayo upang paunlarin natin ang ating mga likas na yaman katulad ng agrikultura at  magagandang lugar na pang turismo. Mangyayari lamang ito kung may pagbabagong magaganap sa ating pag-iisip, mananaw sa buhay, at magkakaroon ng pagdidisiplina sa paggamit natin ng pera, hindi upang ito ay waldasin kundi upang magamit sa mas makabuluhang bagay tulad ng gawaing pangkabuhayan (livelihood project), pagi-impok (savings), pag-invest sa pagnenegosyo (business or agribusiness venture).

Ikaapat, ay ang paghinga ng pundasyon ng kultura ng isang bansa dahil sa inpluwensya ng mga banyagang kultura katulad ng mga bansa sa Kanlurang Amerika, Europa, at marami pang iba.  Dahil maraming kabataan na hindi na nila alam ang mga panitikang Filipino na syang pundasyon ang ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ang Kundiman, Epiko, Sarswela at Balagtasan. 

Isa rin sa mensahi at magandang pag-aambag ng pagtatanghal na ito para sa bawat isa ay ang pagpapa-alaala sa ating lahat na mga Filipino, upang ating muling sariwain at pagyamanin ang mga awiting ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, isa na rito ang Kundiman. Kung mapapagyaman natin ang Kundiman,, ito ay isa sa magiging batayan ng ating pag-unlad bilang isang bansa, para sa ating pagsulong sa hamon ng ika-dalwamput-isa hanggang ika-dalwamput-dalawang siglo (21st to 22nd Century Philippines) ng lahing kayumanggi at sa pag-usad ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.    

Sa aking pagmamasid at pagbabaliktanaw, ang pagtatanghal na may pamagat na "Minananng Awiting muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura" ay kinasiyahan ng lahat ng manunuod na karamihan ay mga miyembro ng Crossroad 77-BOL Ministries International. Ang perang kikitain sa pagtatanghal na ito ay gagamitin para sa mga gawain ng Meridian International Learning Experience or kilala sa tawag na MILE. 

Ang sabi nga ng Presidente ng MILE  na si Elder Bernardo Berida Jr. "Ang Meridian ay nagmula sa isang pangarap na magbubunga ng isang henerasyong may kakaiba, positibo at matayog na pananaw sa kanilang sarili at sa kanilang bansa. (www.themeridian.edu.ph)" Kasama na rito ang pagmamahal sa Dios at sa bansa upang magkaroon ng pagbabahagi ng sarili, maging halimbawa sa lahat, pagkakaroon ng kaibahan at pagsisikap para sa sarili, para sa pamilya, para sa ibang tao, at sa ating bansang Pilipinas sa kabuuhan para sa susunod na saling lahi ng mga Filipino, sa ano mang dako ng mundo.  

Mabuhay ang Filipino! Mabuhay ang lahing Kayumanggi!  Mabuhay ang Pilipinas!  
Mabait talaga ang Dios sa atin!





















No comments:

Post a Comment