Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

Saturday, May 28, 2011

Pagu-ulat Tungkol sa Industriya ng Pabo sa Pilipinas


Pagu-ulat Tungkol sa Industriya ng Pabo sa Pilipinas

By Elmer R. Esplana
(Mayo 27, 2011)

Ang industriya ng pagaalaga ng pabo or “turkey industry” sa Pilipinas ay nasa “infancy stage” pa lang.  Halos, ilan-ilan  lang ang nag-aalaga ng pabo para sa “commercial purposes. ”  Ang mga nag-aalaga ng pabo sa ibang bansa ay kalimitang white broad breasted turkey breed.  Ang breed na ito ay unang ginamit para sa commercial purposes noong mga 1950’s at noong 1960’s, marami sa mga nasa turkey industry sa Estado Unidos ng Amerika (United States), Canada, etc., ay ito ang breed na ginagamit sa kanilang pag-aalaga.  Ang mga breeds ng pabo ay Royal Palm, Bronze, Black and Narraganset.  Ang pinakamabili na “breed” ng pabo ay Black turkey tulad ng inaalagaan ng Herbest Turkey Products sa Rizal at ang nasa National Swine and Poultry Research Center ng Bureau of Animal Industry sa Tiaong, Quezon.  
Ang pagaalaga ng pabo ay ginagawa lang na “hobby” ng ilan o kaya bilang “pet animal.”   Mayroon ding ilan na ito ay nasa mga zoo sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.  Kalimitang mayayaman at may kaya lang ang kumakain nito sa bansa dahil sa mahal ang presyo nito per kilo (P400 to P450) para sa dressed turkey meat.  Mayroong alaga ang BAI sa Tiaong, Swine and Poultry Research Center, ngunit itoy ilan lang.  Kalimitang, ina-angkat (imported) pa natin ang mga lahi ng pabo.   Ang karni ng pabo “turkey meat” ay kilala na walang cholesterol na karmi di tulad ng manok.  
Katulad ng manok at bibi, lahat ng bahagi ng pabo ay pweding mapakinabangan. Pwedi ring i-proseso ang balat nito at gawing pagkain ang mga lamang loob, sa halip na laman lang.  Ang balahibo ay pweding gawing materyales sa pamaypay (fan) at ibang pang “ornamental products” pang dekorasyon sa bahay at mga opisina.  
Ang average price ng isang kilo ng pabo na “liveweight” ay P150 to P250/kilo.  P400 to P450 naman  mabibili sa mga supermarkets na nag-titinda nito ang kada kilo ng “frozen dressed turkey meat,” isang halimbawa ang SM Supermarket. Kalimitang imported ito. Ang isang buong pabo (dressed turkey) ay nagkakahalaga ng mga P1,200 to P1,500/ulo (head), mga 2.8 to 3.5 kilo isang buo.
Sa ngayon, gaya ng sabi ko, nasa infancy stage pa lang ang pabo. Ito ay isang emerging industriya kabilang sa “poultry industry” ng bansa. Ang “commercial market” ng pabo ay maliit pa lang  at  kalimitang mga “institutional buyers” ang mercado nito tulad ng mga ilan-ilang hotels, restaurants, supermarkets at mamimili na may mga kayang pamilya or banyaga (foreigners).  Pwedi nating maakit ang ating mga kababayan na pasukin din ang “turkey  raising” bilang alternatibo or complementary  sa chicken raising kung maitataas pa ang level ng demand  ng turkey meat para sa mga “high-end niche market” nito.  Kailangang din gumawa ng “industry analysis” at ibat-ibang scheme ng bilang ng aalagaan (halimbawa, 20 ulo, 50 ulo, 100 ulo, atbp), kung magkano ang puhunan at kung magkano ang kita kada ulo at ung “economics of scale” para sa “commercial scale operation.” 
Sa ngayon, may programa ang Bureau of Animal Industry, kaya lang hindi sya gaano “priority” ng Department of Agriculture.  Pwedi ang National Swine and Poultry Research Center ng BAI ay mag conduct ng training o seminar para sa mga interesadong mag-alaga ng pabo. Maengyanyo din natin ang mga kababayan na mag-alaga ng pabo kung magiging mataas ang demand ng karmi ng pabo para sa mga high-end niche market nito sa bansa.   Mas mataas ang level ng market demand mas marami ang mag-invest sa pag-aalaga ng pabo lalo na ang “commercial scale operation” o “turkey agribusiness.”   
Kailangang pang i-develop ang mercado ng pabo upang mas madagdagan ang mga nasa negosyon ng processing ng pabo.  Kung magiging malaki ang market nito, mas marami ang magkaka-interest na mag-alaga at mag- process na rin ng karni ng pabo, katulang ng pagbibinta ng “dressed turkey meat product”.    
Ang pabo ay kalimitang ihinahanda sa Estado Unidos dahil sa pagdiriwang ng “Thanksgiving Day” tuwing ika dalwamput lima (25) ng Nobyembre kada taon.  Ang pabo na naggagaling sa mga magsasaka sa Minnesota, Estados Unidos ay ginagawang niche product para sa bansang Tsina (People’s Republic of China).   Gumawa sila ng kakaibang luto ng galing sa pabo ayon sa Department of Agriculture ng Mimmesota, Estados Unidos.  Ito ay pinuposisyon nila hindi ka-kompetensya ng karni ng baboy,  kundi bilang mataas na uri ng karmi (higher value meat).
Sa Pilipinas, ang kadalasang bumibili ng “dressed turkey meat” ay yung nagdadaos din ng “Thanksgiving Day” katulad ng ginaganap sa Estado Unidos, "embassies" at mga banyagang Americano, "Canadian", at mga kompanyang Americano, etc.  upang gawing lechong pabo or “roasted turkey”.  Mayroong bumibili upang ipang-regalo sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak  kapag may okasyon tulad ng kaarawan, debut, kasal, etc. na kalimitang ang mga may kaya o mayayamang pamilya ang bimibili at mercado nito.  


Saturday, May 14, 2011

Pagbabaliktanaw: Minanang Awitin Muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura

Title of the Event in Crossroad 77 with the picture of national hero Dr. Jose Rizal holding a guitar

from left  Dr. Mike Coroza with the Mabuhay Singers Emma Lucero, Cely Bautista, Peping de Leon, and Jimmy Salonga

Lorenzo, Miko, and the Tres Rosita, Dr. Mike Coroza


Infront duet singing, Raye Lucero and Peping de Leon

The Mabuhay Singers team


Willie Samson, Fanny Paragas, Bernie Berida Jr. and Sadi Yuro
At the middle Elder Fanny Paragas

Farewell presentation

Pagbabaliktanaw: Minanang Awitin Muling Pagyamanin,  Isang Konsiyerto at Lektura sa Crossroad 77 Convenarium
by  Elmer R. Esplana,  Mananaliksik at Ekonomista ng Sining, May 14, 2011

Ang katatapos lang na isang pagtatanghal na pinamagatang "Minanang Awitin Muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura" na inihandog ng historyko.org  at C Futures  ay tagumpay. Ito ay ginanap sa Crossroad 77 Convenarium, Bread of Life Ministries International, Mother Ignacia Avenue cor. Scout Reyes Street, Brgy. Paligsahan, Lungsod ng Quezon, Metro Manila, Pilipinas. Ito ay ginanap noong ika-7 ng gabi, Mayo 13, 2011.  Sa aking palagay, ito ay naging isang matagumpay na pagtitipon, pagpapakilala at pagpapakita ng mga likas at likha na mga awiting Filipino, lalong-lalo na ang Kundiman.

Isang lektura ni Dr. Mike Coroza, isang kilalang makata, manunulat, tagapagsalin, at editor ng National Language of the Philippines, Associate Professor ng Ateneo de Manila University na nagbigay ng panimulang pampagana na tulang pagpapakilala sa mga manunuod ng pagtatanghal na ito.

Sinimulan nyang ipakilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang tulang pagpapakilala. Sinabi nya ang ang Kundiman na syang tampok na "genre" ng gabing iyon ay hindi lamang kanta ng pag-ibig o awit sa panliligaw ng dalaga, kundi ito rin ay isang awit ng makabayang Filipino.   Kundiman ang mag-uugnap sa tunay na "Kalayaan" at ang ideyal ng naisin ng mga Filipino para sa bansang Pilipinas.   Ito ay awit ng mga bayaning Filipino, kahapon, ngayon at bukas. Sinabi nya na bagaman ito ay nahahawig sa awitin ng mga Europeo, ito ay dapat angkinin ng mga Filipino sapagkat ito ay nilapatan ng sariling salita na Pilipino or wikang katutubo, at marami dito ay Kundimang Tagalog. Ilan sa mga sikat na mang-aawit at kompositor or gumagawa ng mga awit Kundiman na binaggit nya sa kanyang lektura ay ang pambansang bayaning si Dr.  Jose Rizal, sina Joselina Baliwag, Antonio Molina, at maraming pang iba, na naging kabahagi na ng kasaysayan ng Kundiman sa Pilipinas.

Isa sa tampok sa pagtatanghal na ito ay ang pag-awit ng Mabuhay Singers ng higit sa tatlongpung mga awitin at kaharamiran sa kanilang inawit ay mga Kundiman, katulad ng: Aawitan Kita, Bundok Banahaw, Kalesa,  Habang-Buhay,  Magbabakya, Dahil sa Iyo,  Pakwan, Hahabol-habol, Kung Ako'y Magaasawa, Pintasan, Lawiswis Kawayan, Mutya ng Pasig, Bol-anon, Hatinggabi, Lulubog-lilitaw, Bingwit ng Pag-ibig, Madaling Araw, Balut, Kuratsa, Pobreng Alindahaw, Pamulinawen, Pista sa Nayon, Ako ay Pilipino, Pilipinas, at maraming pang iba. 

Tatlo sa orihinal na mang-aawit ng Mabuhay Singers na nag-angat ng ating mga ikinararangal na awiting Pilipino ay kinabibilangan ng mga Reyna at Hari ng Kundiman na sina Cely Bautista, Raye Lucero at si Jose "Peping" de Leon.   Kasama rin sa mga umawit si Emma Lucero, anak ni Raye Lucero at ang kanilang mga kasamang mang-aawit-musikero-gitarista na sina Eddie Suarez at Jimmy Salonga.  Makikita nyo ang kanilang Facebook account nila na may pamagat na Mabuhay Singers kung inyong nais silang imbitahin upang magtanghal.

Kabilang din sa mga umawit ang sinasabing Tres Rositas na mga mag-aaral ng Conservatory of Music sa Universidad ng Pilipinas (University of the Philippines) na sina Janine, Roxanne, Charlene.   Kasama rin sa mga umawit ang anak ni Dr. Coroza na si Miko at isa pang sa nitong kasama na si Lorenzo.  
Isang rin sa espesyal ng pagtatanghal ang ginawa ng E4 (Four Church Elders) ng Bread of Life (BOL) na sina  Sadi Yuro, Bernie Berida Jr, Fanny Paragas at Willie Samson. Umawit sila ng mga Original Filipino Music (OPM) katulad ng Akoy Pinoy, Tayo'y mga Pinoy, Bakit Labis Kitang Minahal.  Isa sa hinangaan sa kanilang pagtatanghal ay ng awitin nila ang "Anak" na sikat na awitin ni Freddie Aguilar na isinalin sa ibat-ibang wika ng ibat-ibang mga bansa.

Pagkatapos ng mga awiking ng E4, nagbigay ng isang maikling mensahe ang tagapamahala ng Historyko.org na si Elder Willie Samson. Sinasabi niya na ang Kundiman ay "awitin ng mga bayani." Isa pa, "ito ay di pweding talikuran ng bawat Filipino." Ang mga awitin na nasulat at nalikha na Kundiman ay paglalarawan  ng pagmamahal sa ating bayan.  Nagbanggit sya ang apat na dahilan ng pagbagsak ng mga bansa mula sa dati nilang kadakilaan, kasama na rito ang Pilipinas. Una, ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon. Sa mga bansa sa Asya, walang universidad sa Pilipinas na kasali sa limampung pinakamagagaling. Naunahan na tayo pati ng bansang Indonesia na kasali sa ika-apatnaput siyam. Ikalawa,  ang pagkawala ng paggalang sa mga tradition,  tulad ng paggalang sa matatanda. Ikatlo, ang pagdami ng mga taong nahuhumaling sa materyal na mga bagay.  Isa sa halimbawa nito ang magdami ng mga Pilipinong paikot-ikot sa mga malalaking mall upang bumili ng mga bagay na pang samanantala lamang gayong ang Pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa Asya.  Kahit anong oras sa maghapon ay maraming Filipino ang nagpapaikot-ikot sa mga mall, para maglakwatsa at magpalipas lamang ng oras, samantalang sa ibang bansa ay hindi ganito ang ating makikitang kanilang ginagawa. 

Sa madaling salita, sayang ang oras ng isang tao kung ang oras nya ay ginagamit lamang sa paglalakwatsa katulad ng mall, lalo na kung wala naman importanteng pakay dito or  kung may pakay man dito ay magwawaldas lang ng salapi sa halip na ipunin upang magamit na pang-invest upang lalo pang dumami ang kanilang pera o itabi upang magamit sa oras ng pangangailangan ng pamilya.   Sa mga bansa sa Asya, isa ang Pilipinas sa pinakamababa ang "savings rate" kada taon.  Kung ganito ang ating karanasan,  panahon na upang mag-impok tayo upang paunlarin natin ang ating mga likas na yaman katulad ng agrikultura at  magagandang lugar na pang turismo. Mangyayari lamang ito kung may pagbabagong magaganap sa ating pag-iisip, mananaw sa buhay, at magkakaroon ng pagdidisiplina sa paggamit natin ng pera, hindi upang ito ay waldasin kundi upang magamit sa mas makabuluhang bagay tulad ng gawaing pangkabuhayan (livelihood project), pagi-impok (savings), pag-invest sa pagnenegosyo (business or agribusiness venture).

Ikaapat, ay ang paghinga ng pundasyon ng kultura ng isang bansa dahil sa inpluwensya ng mga banyagang kultura katulad ng mga bansa sa Kanlurang Amerika, Europa, at marami pang iba.  Dahil maraming kabataan na hindi na nila alam ang mga panitikang Filipino na syang pundasyon ang ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ang Kundiman, Epiko, Sarswela at Balagtasan. 

Isa rin sa mensahi at magandang pag-aambag ng pagtatanghal na ito para sa bawat isa ay ang pagpapa-alaala sa ating lahat na mga Filipino, upang ating muling sariwain at pagyamanin ang mga awiting ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, isa na rito ang Kundiman. Kung mapapagyaman natin ang Kundiman,, ito ay isa sa magiging batayan ng ating pag-unlad bilang isang bansa, para sa ating pagsulong sa hamon ng ika-dalwamput-isa hanggang ika-dalwamput-dalawang siglo (21st to 22nd Century Philippines) ng lahing kayumanggi at sa pag-usad ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.    

Sa aking pagmamasid at pagbabaliktanaw, ang pagtatanghal na may pamagat na "Minananng Awiting muling Pagyamanin, Isang Konsiyerto at Lektura" ay kinasiyahan ng lahat ng manunuod na karamihan ay mga miyembro ng Crossroad 77-BOL Ministries International. Ang perang kikitain sa pagtatanghal na ito ay gagamitin para sa mga gawain ng Meridian International Learning Experience or kilala sa tawag na MILE. 

Ang sabi nga ng Presidente ng MILE  na si Elder Bernardo Berida Jr. "Ang Meridian ay nagmula sa isang pangarap na magbubunga ng isang henerasyong may kakaiba, positibo at matayog na pananaw sa kanilang sarili at sa kanilang bansa. (www.themeridian.edu.ph)" Kasama na rito ang pagmamahal sa Dios at sa bansa upang magkaroon ng pagbabahagi ng sarili, maging halimbawa sa lahat, pagkakaroon ng kaibahan at pagsisikap para sa sarili, para sa pamilya, para sa ibang tao, at sa ating bansang Pilipinas sa kabuuhan para sa susunod na saling lahi ng mga Filipino, sa ano mang dako ng mundo.  

Mabuhay ang Filipino! Mabuhay ang lahing Kayumanggi!  Mabuhay ang Pilipinas!  
Mabait talaga ang Dios sa atin!





















Saturday, May 7, 2011

Pilipinas, ang mamatay ng dahil sa 'yo

Pilipinas, ang mamatay ng dahil sa 'yo


Katha ni Elmer Esplana (Enero 6, 2008). Ang tulang (poem) ito ay nagawa dahil sa inspirasyon ng isang  talata galing sa Pambansang Awit ng Pilipinas -Lupang Hinirang - "Ang mamatay ng dahil sa 'yo,"  mga paga-aral ng may akda na may kinalaman sa "Partipatory Governance,"  o "Effective Governance" at sa pagbabasa ng isang libro na isinulat ni Dwight Bain, isang Amerikanong manunulat na may akda ng Destination Success: A map for living out your dreams.  Pwedi nyo itong makita sa website na: http://www.dwightbain.com/.  

Kailan ka ba aahon Pilipinas?
Kailan ba namin makikita ang iyong tagumpay?
Kailan ba ikaw magni-ningas sa dilim?
Isa kang dating maunlad na bansa,
Ngayon nahuhuli ka na sa iba.
May nagsasabi na wala na raw pag-asa sa bansang Pilipinas,
Kaya't pumupunta na lang sa ibang bansa.
May iba naman, wala ng ginawa kundi sirain ang pangalan mo.
Ang nagiging bansag tuloy sa atin, "Eh kasi Pinoy,"
Kailan ba magiging positibo ang dating ng bansag na iyan?
Ang tingin tuloy ng ibang bansa sa atin,
Pilipinas, isa bansang talunan at bayan ng mga magugulo.
At ang mga Pilipino na galing sa ating bansa,
Marami sa kanila nagiging katulong (domestic helper) ng iba't-ibang mga dayuhan,
Sa maraming mga bansa sa buong mundo.
May hihigit pa ba rito?
Mayroon pa sa tingin ko.
Dapat lang ito ang makita sa atin.
Dahil marami ring Pilipino na maunlad at maayos ang buhay sa ibang bansa.
Kayat dapat dumami pa ang katulad nila.

Sana dumating ang panahon na aangat ka rin aking bansa.
Sana dumating ang araw na maaayos din ang gulo at dilim na nakapaligid sa 'yo. 
Nawa'y ang mga pulitiko magkaisa na gumawa ng mabuti lamang para sa 'yo.
Mga taong nasa katungkulan, ayusin ang pamamahala,
Lumayo na sa mga di-maayos at masamang ginagawa,
Katulad ng pagnanakaw ng kaban ng bayan,
At walang habas na pagsira lamang ng iyong yaman. 
Sa mga negosyante naman dapat na isaalang-alang natin,
Hindi lang tubo ang isipin sa buhay, kundi magkaroon din,
Ng pagmamahal at makabuluhang pangkapwa-tao na responsibilidad.
Kung sa mga organisasyong hindi gobyerno or pribado naman (NGOs),
Wag lang makigulo, kundi ipagpatuloy lang ang pagsusulong,
Ng mga kapaki-pakinabang na mga alternatibong programa at proyekto,
Na susuporta sa mga ginagawa ng pamahalan at mga pribadong sektor,
Ang pamahalaan, pribadong sektor at asosasyon hindi gobyerno at pribado,  
Patuloy lang magtulong-tulong sa isat-isa, na ayusin ang pamamahala (governance) para sa bansang ito.

At sa lahat ng kapwa ko Pilipino, mahalin natin ang ating bansa.
Tumulong tayo sa ating pamahalaan at sa mga iba pang sektor na nabanggit.
Pagsikapan at pagtulungang natin ang pagsusulong ng tagumpay ng Pilipinas. 
Wala ng hihigit pa sa sariling bayan,
Dito tayo isinilang, nabubuhay at dito rin mamamatay, kung luluubin ng Maykapal.
Ngayong taong 2008 at susunod pang mga taon, nawa'y ipagpatuloy natin ang pagsisikap.
Paghusayan natin ang ating mga ginagawa sa bawat-isa.
Isipin natin na may bagong liwanag na darating.
At ang pinakamagandang mangyayari ay parating pa lamang.

May pag-asa tayong lahat, sapagkat hindi tayo nag-iisa,
May kasama tayo sa lahat ng ating mga ginagawa,
Andyan ang Dios para gabayan at tulungan tayo,
Magtiwala lang tayo sa Kanya ng totoo.
Oh' bansang Pilipinas, Oh' bayan ko.
Ikaw at ako, tayong lahat ay Pilipino.
Kaya't dapat tayong magkaisa at magtulong-tulong.
Paunlarin ka hindi lamang sa henerasyon na ito.
Kundi pati na rin ang susunod na henerasyon ng lahing Kayumanggi.
Oh' Pilipinas, oh' bayan ko,
Kaming lahat ay naririto, Pilipinas,
Ang mamatay ng dahil sa 'yo. 

Pahabol na salita: Kung may natutunan ka sa tulang ito, ipakibahagi or email mo ito sa kaibigan at mahal mo sa buhay, upang sila'y may matutunan din katulad mo. God bless you, my friend! (Please email your comments to elmer.esplana@gmail.com).



(Source: www.elmer2007.multiply.com)