Saturday, May 7, 2011

Ilaban Natin ni Elmer R. Esplana


Ilaban Natin
Ni Elmer R. Esplana, November 4, 2007

(A poem inspirationally written from the
corporate slogan of the Land Bank of the Philippines in 1997,
"Lahat ay kakayanin, Lahat ay gagawin. "  This slogan is related to the
vision of Philippines 2000 of former President Fidel V. Ramos.  The poem was delivered by the author during the closing  program of the three-day
Orientation/Re-orientation Seminar-Workshop  held at the Philippine
Animal Health Center Conference Room,  Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City, October 6, 1999).

Lahat ay kakayanin,
Lahat ay gagawin,
Dahil sa pangitaing,
Kay Kristo nanggaling.

Puspusang paghahanda,
At pagsasanay gawin,
Alang-alang sa Inang Bayang,
Kinamulatan natin.



Ang  magsilbi sa bayan,
Dapat nating isaisip at gawin,
Upang ang natatanging talento't kalooob,
Ay  maibahagi natin,
Upang sa araw ng pagtutuos,
Ay maialay natin,
Sa Dios na lumikha,
Sa bawat isa sa atin.


Ang aking paalaala,
At hamon para sa bawat isa,
Ang ating  bahagi ay mahalaga,
Kung kayat, ito'y
Dapat nating ikasaya,
 "Ilaban natin,
Ang panawagan natin,
Kasama ang Dios natin."


(Source: www.elmer2007.multiply.com)

No comments:

Post a Comment